Araw-araw, binibigyan tayo ng Diyos ng araw - at nang isang pagkakataon kung saan kakayanin nating baguhin ang lahat na nakakapagpapalungkot sa atin.
Araw-araw, sumusubok tayo na pigilang namnamin ang bawat sandali - na ito ay kathang-isip lamang - na ang ngayon ay katulad ng kahapon at magiging katulad na rin ng bukas.
Datapwa't kung ang lahat ng tao ay bibigyan lang ng halaga ang mga pang-araw-araw na pangyayari, matutuklasan nila ang hiwaga ng sandali.
Maaring ito ay biglaan kung dumating, habang tayo ay may ginagawang mga maka-mundong bagay - tulad ng pagpasok ng susi sa pinto; o nakatagpi sa payapang ramdam pagkatapos ng tanghalian, maging sa isang libo't isang bagay na para sa atin ay karaniwan lamang. Subali't nandito ang sandali - isang sandali kung saan lahat nang kapangyarihan ng bituin ay magiging bahagi ng ating buhay at itulot nating gumawa ng hiwaga.
Ang galak ay isang biyaya, ngunit kadalasan ito ay isang pagsasakop. Ang bawat hiwaga ng sandali ay tumutulong sa atin para magbago at dumayo para hanapin ang ating mga pangarap. Totoo, ito ay ating dadanasin, tayo ay mahihirapan, at makakaranas tayo ng napakaraming kabiguan - subali't lahat ng ito ay pansamantala lamang.; hindi mag-iiwan ng pirmihang tanda. At isang araw, tayo ay lilingon na may pagmamalaki at tiwala sa paglalakbay na ating tinahak.
Nakakaawa ang taong takot makipagsapalaran. Marahil ang taong ito ay hindi makakaramdam ng pagkabigo; hindi siya magtitiis tulad ng mga tao na may pangarap na sinusubaybayan. Subali't kapag ang taong iyan ay lumingon - hindi niya maririnig ang puso niya na magsasabing, "Ano ang nagawa mo sa mga himalang ipinunla ng Diyos? Ano ang nagawa mo sa mga likas na karunungan na bigay sayo ng Diyos?"
Ibinaon mo ang sarili mo sa kuweba dahil takot ka na mawala ang iyong talino. Kaya, ito ang iyong maipapamana: ang katotohanang binalewala mo ang iyong buhay.
Nakakaawa ang mga taong naiisip ito ngayon. Sapagka't ngayong naniniwala na sila sa mga himala, ang mahihiwagang sandali ng buhay nila ay lumipas na.